Ipinahayag kahapon sa Washington ni Jim Yong Kim, Presidente ng World Bank Group ang mithiing makipagtulungan sa Asia Infrastructure Investment Bank(AIIB) na itinataguyod ng Tsina, para pasulungin ang usaping pagbabawas ng mga mahihirap sa buong mundo.
Sinabi ni Kim na ang AIIB ay ang pinakamalakas na partner ng World Bank sa pagsasakatuparan ng naturang target. Aniya, kung magkakaisa at magtutulungan ang World Bank, AIIB at BRIC Country Development Bank, makakatulong ang mga ito hindi lamang sa paglutas ng ibat-ibang hamon ng daigdig, kundi rin sa pagbibigay-ginhawa sa buong mundo.