Kahapon (ika-15 ng Abril) ay pinal na panahon ng pagtatakda ng bilang ng mga bansang tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ayon sa Ministri ng Pinansya ng Tsina, ang 57 bansa mula sa 5 kontinente ang napabilang sa mga bansang tagapagtatag ng AIIB. Kabilang dito, 37 bansa ay mula sa Asya, at 20 naman ay mula sa ibang rehiyon.
Sinabi ni Si Yaobin, Pangalawang Ministro ng Pinansya ng Tsina, na ang AIIB ay isang bukas na multilateral na bangko ng pagdedebelop. Bagama't natapos na ang pagtatanggap ng bansang tagapagtatag, ipagpapatuloy pa rin ang pagtatanggap ng mga bagong miyembro sa hinaharap.
Salin: Li Feng