Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag, isinalaysay ng isang namamahalang tauhan ng namumunong grupo ng Tsina sa usapin ng Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" ang mga mungkahi ng kanyang bansa hinggil sa pagpapalalim ng pagpapalitan ng kultura at pagpapalagayan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansang kalahok sa "One Belt One Road."
Sinabi ng nabanggit na namamahalang tauhan na ang malawak na pagpapalitan ng kultura at pagpapalagayan ng mga mamamayan ng mga bansang kalahok sa "One Belt One Road" ay magbibigay ng matibay na pundasyon sa kooperasyon ng mga bansang ito sa mga iba pang larangan, at maggagalugad din ng kani-kanilang masasaganang yamang kultural, bilang mahalagang bahagi ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan.
Ayon pa rin sa kanya, para isakatuparan ang naturang target, iminungkahi ng Tsina na palalakasin ng mga bansang kalahok sa "One Belt One Road" ang mga kooperasyon sa edukasyon, aktibidad na pansining, turismo, serbisyong medikal, siyensiya't teknolohiya, at pagpapalagayan ng mga lunsod, organisasyong di-pampamahalaan, at iba pa.
Salin: Liu Kai