Ipinahayag kahapon ni Abbas Araghchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran na sa ilalim ng "kontroladong kondisyon," papahintulutan ng Iran ang pagpasok ng mga tagapagsiyasat ng United Nations (UN) sa pasilidad na nuklear ng bansa para sa pagsusuri. Sinabi niyang ilalakip din ito bilang bahagi ng pinal na kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Nakatakdang balangkasin ng Iran at anim na may-kinalamang bansa ang nasabing pinal na kasunduan, bago katapusan ng Hunyo, 2015. Sa kasalukuyan, natapos na ang panukulang kasunduan, pero, nagkakaiba pa rin ang palagay ng ibat-ibang panig sa mga masusing isyung gaya ng pag-aalis ng sangsyon, pagsusuri sa mga pasilidad na nuklear ng Iran, pagpapahigpit ng pagsusuperbisa, at iba pa.