|
||||||||
|
||
PATULOY na darami ang mga naninirahan sa mga tinaguriang "squatter areas" kung hindi magkakaroon ng hanapbuhay sa kanayunan.
Ito ang sinabi ni Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng National Housing and Urban Development Summit sa Valenzuela City kanina.
Idinagdag pa niya na magpapatuloy ang ganitong kalakaran hangga't mayroong rural-urban migration at pag-unlad ng iba't ibang pook ng hindi magkakasabay. Kung ang kaunlaran ay limitado lamang sa mangilan-ngilang lalawigan, lungsod at bayan, mas maraming magtutungo sa mga batobalani ng kaunlaran upang maghanapbuhay.
Idinagdag pa ni G. Binay na mayroong 1.5 milyong pamilya ng mga maralitang tagalunsod noong 2011 at higit sa 580,000 pamilya ang naninirahan sa Metro Manila.
Sa ngayon, halos 50% ng mga Filipino ang naninirahan sa mga urban area at higit pang tataas sa susunod na dekada.
Ani G. Binay, magpapatuloy na lumala ang situwasyon kung lubog sa kahirapan ang mga mamamayan dahilan sa kawalan ng trabaho, kahinaan ng social services at proteksyon sa batas. May mga taong naninirahan sa mga mapapanganib na pook.
May kaakibat na solusyon ang mga problemang nabanggit sapagkat ang Housing and Urban Development Coordinating Council, sa tulong ng World Bank, at mga lungsod na kasama sa National Informal Settlements Ugrading Strategy noong 2014, may mga rekomendasyon upang mabigyang-pansin ang pagpapaunlad ng mga lungsod, climate change adaptation, disaster risk reduction management, selective resettlement na may kabayaran, informal settlements upgrading, urban renewal at pagpapa-unlad ng pamamalakad ng pamahalaan.
Niliwanag pa ni G. Binay na mayroong papel na ginagampanan ang mga mahihirap.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |