|
||||||||
|
||
Napapaloob ang mga repormang hinihiling sa isang liham na ipinadala kay Pangulong Aquino at siyang kinalabasan ng isang buwang konsultasyon sa mga kasaping samahan.
Kailangang makita ang pagpapatibay ng integridad at mabuting pamamalakad sa pamahalaan, pagpapabilis ng mga ipinagagawang infrastructure projects, pagtiyak ng mas maraming trabaho, pagpapadaloy ng kalakal, pagdaragdag ng foreign investments at pagpapasigla sa kompetisyon.
Magaganap lamang ang mga ito sa madaliang paghirang ng mga kwalipikado, kapani-paniwala at may karanasang public servants sa Civil Service Commission, Department of Energy at maging sa Philippine National Police.
Kailangan ding magkaroon ng isang public-private Energy Council na binubuo ng kapanipaniwalang dalubhasa sa enerhiya na bubuo at mag-aayos ng detalkyadong energy security at price competitiveness roadmap.
Nais din ng mga mangangalakal na magkaroon ng National Privacy Commission at ang paglalabas ng implementing rules and regulations para sa Data Privacy Act at Cybercrime Prevention Act.
Hiniling din ng mga mangangalakal ang pagbuo ng agricultural trading centers na magbibigay sa mga mangingisda at magsasaka ng pinakahuling teknolohiya at paglalaan ng salapi at marketing support.
Kailangan ding mabawasan ang mga hakbang sa pagtatayo ng mga kalakal sa buong bansa upang higit na dumami ang mga mangangalakal.
Kabilang sa mga lumagda ang Management Association of the Philippines, Makati Business Club, Semiconductor and Electronics Industries of the Philippines, Employers Confederation of the Philippines, IT and Business Process Association of the Philippines, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Alyansa Agrikultura, PhilExport, Chamber of Mines of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, FINEX, American Chamber of Commerce, Australia-New Zealand Chamber of Commerce, Canadian Chamber of Commerce, European Chamber of Commerce, Japanese Chamber of Commerce and Industry, Korean Chamber of Commerce at ang Philippines Association of Multinational Companies Regional Headquarters.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |