Ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na ayon sa pagtaya, mula 2016 hanggang 2020, pananatilihin sa 5% hanggang 6% ang bahagdan ng paglaki ng aktuwal na kabuuang halaga ng produksyong panloob ng bansa bawat taon.
Noong isang linggo, ipinalabas ng Malaysia ang isang Panlimahang-taong Plano ng Pagpapasigla ng Kabuhayan. Ani Najib, sa ilalim ng planong ito, lilikhain ang 1.5 milyong trabaho sa mga larangan ng enerhiyang nuklear, telekomunikasyon, at konstruksyon ng imprastruktura. Hanggang taong 2020, may pag-asang magiging isang maunlad na bansa ang Malaysia, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng