JAKARTA, Indonesia--Pinasinayaan ngayong araw ng Tsina ang Hi-Indo TV Channel para mapasulong ang pagkaunawa ng mga mamamayang Indones hinggil sa Tsina.
Dumalo sa pasinaya si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Sinabi ni Rudiantara, Ministro ng Komunikasyon at Impormatiks ng Indonesia na ang paglulunsad ng nasabing TV channel ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng mga media organizations ng dalawang bansa at pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Jade