Idinaos kamakalawa sa Jakarta, Indonesia ang kauna-unahang pulong ng Tsina at Indonesia hinggil sa people-to-people exchange mechanism sa antas ng pangalawang premyer. Magkasamang nangulo sa pagtitipon si Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina at kanyang Indonesian counterpart na si Puan Maharani.
Sinariwa ng dalawang panig ang mga bungang natamo sa pagpapalitan ng kultura at tauhan, at binalangkas ang plano sa pagpapalitan at pagtutulungan sa hinaharap. Ipinalabas din ng dalawang panig ang magkasanib na komunike.
Bukod dito, dumalo rin sina Liu Yandong at Puan Maharani sa seremonya ng paglalagda sa ilang dokumentong pangkooperasyon sa edukasyon, siyensiya at teknolohiya, kultura, at iba pa.