Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Presidential Commission on Good Government, dapat mag-ulat

(GMT+08:00) 2015-06-01 17:46:03       CRI

KAILANGANG MAG-ULAT ANG PRESIDENTIAL COMMISSION ON GOOD GOVERNMENT.  Ito ang sinabi nina dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr. (pangalawa mula sa kanan) at dating Member of Parliament Homobono Adaza (pangalawa mull sa kaliwa) sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.  Na sa larawan din si Atty. Dennice Manalo, (dulong kanan) abogado ni dating Governor Luis "Chavit" Singson na nagtatanong sa balak ng PCGG na isubasta ang isang ari-ariang hindi naman nila pag-aari.  (Areopagus Social Media for Asia photo)

HINILING nina dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr. at dating member of parliament Atty. Homobono Adaza na magbigay ng kaukulang ulat ang Presidential Commission on Good Government sa kinahantungan at nagawa ng ahesya mula ng mabuo ito noong 1986. Ito ang kanilang sinabi sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kanina.

Ayon kay Atty. Homobono Adaza kung babalikan ang revolutionary government na idineklara ni Pangulong Corazon Aquino noong 1986, hindi na sana kinailangan pang magkaroon ng Presidential Commission on Good Government sapagkat masasamsam din naman ng pamahalaan ang mga pinaniniwalaang ill-gotten weath ng Pamilya Marcos at ng kanyang cronies.

Ito rin umano ang sinabi sa kanya ni dating Ambassador Danding Cojuangco na noo'y nagnanais na maipaliwanag ang kanyang nalalaman sa sinasabing ill-gotten wealth.

Sa mungkahi ni dating Senador Jovito Salonga na bumuo ng tanggapang tulad ng PCGG, nabawasan umano ng bahagya ang kanyang pagtingin sa isa sa pinakamagaling na abogado sa Pilipinas.

Ani Atty. Adaza, kahit sa pag-aaral ni Senador Salonga sa Estados Unidos ay hinanggan na ang angking talino ng kagalang-galang na miyembro ng Senado bago pa man idineklara ang Martial Law noong 1972.

Sa panig ni dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr., sa kanilang ginawang pagsusuri at pagdinig sa usapin, noong bagong nanungkulang pangulo si (Gng.) Gloria Macapagal-Arroyo, nabatid nilang may US$ 24 bilyong nakadeposito sa isang bangko sa ibang bansa at mayroon ding US$ 100 milyon sa US Treasury. Hindi mabatid kung paano nakarating ang bank deposit ng mga Marcos sa US treasury.

Ipinaliwanag ni Atty. Dennis Manalo, abogado ni dating Governor Luis "Chavit" Singson na mahirap unawain ang guidance ng Presidential Commission on Good Government sa isusubastang lupain na pag-aari ng kanyang kliyente. Wala umanong linaw kung paano maililipat ang ari-ariang nagkakahalaga ng P 16.5 bilyon sa magwawagi sa bidding.

Ani Atty. Manalo, tangan nila ang orihinal na titulo samantalang hawak ng PCGG ang isang reconstituted title. Interesado umano ang malalaking land developers sa ari-arian. Ipinagtataka rin ng abogado ng dating gobernador kung bakit ang bid documents ay nagkakahalaga ng P 100,000 samantalang bilyun-bilyong piso ang halaga ng lupaing nasa Pasig City.

Ang lupaing binabanggit ni Atty. Manalo ay nasa panulukan ng Meralco, Julia Vargas at Ortigas Avenues sa Pasig City. Iginiit ng abogado na binili ng kanyang kliyente ang ari-arian noon pa mang 1971. Mahirap din umanong mabatid ng pamahalaan kung alin ang tunay na "ill-gotten wealth" ng mga Marcos.

Nagsimula ang kontrobersya ng makipag-usap ang mangangalakal na si Jose Y. Campos sa Presidential Commission on Good Government na magsusuko siya ng mga dokumento upang makamtan ang kanyang mithing "immunity."

Ipinagtatanong pa ni Atty. Manalo kung ano ang pamantayang ginamit ng Presidential Commission on Good Government upang sabihing "ill-gotten wealth" nga ang kontrobersyal na lupain.

Ayon kay Atty. Adaza, posibleng walang sipi ang Register of Deeds ng titulo kaya't nagkaroon ng reconstitution ng titulo sa pamamagitan ng PCGG. Nanindigan naman si Atty. Manalo na higit na may bisa ang kanilang titulo sapagkat ito ang orihinal. Nagtungo na rin sila sa Land Registration Authority at nakakuha na sila ng sipi ng titulo ng kwestiyonableng lupain.

Binigyang-diin nina dating Senate President Pimentel at Member of Parliament Adaza na nararapat lamang ilabas ng Presidential Commission on Good Government ang detalyes ng kanilang mga nagawa sa nakalipas na panahon.

Sa puntong ito, lumabas ang iba't ibang karanasan nina dating Senador Pimentel at Atty. Adaza na tila mas madalas ang kaduda-dudang sistema ng pagtititulo ng lupain sa bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>