|
||||||||
|
||
NILIWANAG ni Deputy Director General Leonardo Espina na wala siyang anumang balak na pumalaot sa politika sa pagtatapos ng kanyang tungkulin sa ika-16 ng Hulyo ng taong ito.
Ayon sa magreretirong police officer, nananatili siyang isang pribadong tao at napapanahon na siyang bumalik sa kanyang pamilya. Ito ang kanyang sinabi sa isang panayam kaninang umaga sa Campo Crame.
Sasapit na ang kanyang ika-56 na kaarawan sa susunod na buwan at magreretiro na matapos ang higit sa 20 taong paglilingkod sa Philippine National Police.
Ayon sa opisyal, mayroon na lamang siyang hanggang 20 o 25 taong pananatili sa mundo at napapanahong makapiling niya ang kanyang pamilya at matiyak na amaayos ang kanilang kalagayan.
Si General Espina ang pumalit kay Director General Alan Purisima na napilitang umalis sa puwesto noong Disyembre ng 2014. Sina Espina at Purisima ay kanilang sa Philippine Military Academy Class 1981.
Naging Office-In-Charge si General Espina at namuno sa may 150,000 mga pulis sa buong bansa. Sa katanungan kung tatanggap siya ng ibang puesto matapos ang kanyang pagreretiro, sinabi ng general na hindi pa niya alam sapagkat siya'y isang karaniwang opisyal lamang ng pulisya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |