Sinabi kahapon ni Xu Chengguang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, na isasagawa ang "lubusan at walang tatakpan" na imbestigasyon sa aksidente ng paglubog ng bapor na pampasahero sa Yangtze River.
Dagdag niya, ito ay para lubos na malaman ang sanhi ng aksidenteng ito, at hindi maulit ang ganitong trahedya.
Isiniwalat din ni Xu na sinimulan na nilang usisain ang mga nailigtas na tripolante ng naturang bapor, para mangalap ng mga ebidensiya kaugnay ng aksidente.
Salin: Liu Kai