Hanggang alas-7 kagabi, 14 na katao ang nailigtas at 26 na bangkay naman ang narekober mula sa lumubog na bapor na pampasahero sa Yangtze River ng Tsina. Mahigit sa 400 katao ang nawawala pa rin.
Ang pokus ng kasalukuyang gawain ng pagliligtas ay nananatili sa paghahanap ng mga nawawala. Patuloy ang paghahanap ng mga propesyonal na maninisid sa mga kamarote ng bapor para agarang iligtas ang mga pasahero. Samantala, ipinadala ang maraming tagapagligtas para maabot ang lugar sa ibabang bahagi ng ilog na 220 kilometro ang layo mula sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, para sa malawakang paghahanap.
Salin: Liu Kai