Bilang paghahanda sa gagawing summit ng Shanghai Cooperation Organization(SCO) na idaraos sa darating na Hulyo sa Ufa, Rusya, idinaos kahapon sa Moscow ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng SCO.
Ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na ang SCO ay nagsisilbi bilang plataporma para isulong ang komong seguridad ng mga miyembro at nagbibigay ng mahalagang pagkakataon din sa pagsasakatuparan ng win-win situation. Umaasa aniya siyang palalalimin ng mga miyembro ng SCO ang pagtutulungan at babalangkasin ang mabisang plano at hakbang para pasulungin ang epektibo, pragmatiko at malusog na pag-unlad ng SCO sa hinaharap.
Samantala, tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa kooperasyon ng SCO sa larangan ng seguridad, kabuhayan, kalakalan, people-to-people exchange at palakasin ang koordinasyon ng SCO sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Narating nila ang malawakang pagkakasundo hinggil dito.