|
||||||||
|
||
Sa kanilang pinakahuling pulong, inulit ng mga lider na Tsino ang priyoridad sa pagliligtas ng mga survivor at paggamot sa mga nasugatan bilang tugon sa paglubog ng bapor sa Yangtze River.
Ang Dongfangzhixing (Eastern Star), bapor na lulan ang 458 tao ay lumubog sa Ilog Yangtze sa Jianli, lalawigang Hubei, mga alas 9:28 ng gabi noong unang araw ng Hunyo.
Hanggang alas-8 ngayong umaga, 14 ang nailigtas, 65 bangkay ang narekober, at mahigit 300 ang nawawala pa rin.
Hiniling din nila sa iba't ibang panig na maayos na hawakan ang aftermath ng sakuna para aluin ang kamag-anakan ng mga biktima.
Inutos din ng mga lider Tsino ang ganap na imbestigasyon sa aksidenteng ito.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |