Isinapubliko ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina ang White Paper hinggil sa Pag-unlad ng Usapin ng Karapatang Pantao ng bansa para sa taong 2014. Itinatampok nito ang progreso ng bansa sa pangangalaga sa karapatang pantao batay sa batas at kapakinabangang natatamasa ng mga mamamayan dahil sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Batay sa mga datos at katotohanan, isinalaysay ng White Paper ang hinggil sa natamong bunga ng Tsina sa proteksyon sa karapatang pantao sa siyam na aspekto. Kabilang dito ay ang karapatan sa pag-unlad, karapatang pantao, karapatan sa demokrasya, karapatan sa makatwirang paglilitis, karapatan sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran, karapatan ng kababaihan, karapatang ng mga bata at nakakatanda, karapatan ng mga may kapansanan, at karapatan ng mga grupong etniko.
Salin: Jade