Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: Hindi pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law, makasasama sa imahen ng bansa

(GMT+08:00) 2015-06-08 17:46:56       CRI

SINABI ni dating Constitutional Commissioner Christian Monsod na ang hindi pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law ang maglalagay sa Pilipinas sa kakaibang pananaw ng daigdig sapagkat umaasa ang maraming bansa na magtatapos sa kapayapaan ang 17 taong negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front.

Ito ang kanyang pahayag sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Sinabi niya na ang paglagda ng pamahalaan at MILF sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ay sinaksihan ng international community.

Ayon kay Chairman Monsod, kahit ang mga kasama sa International Monitoring Team ay nagmula sa iba't ibang bansa tulad ng Turkey, Norway at Japan at iba pa.

PAGPAPASA NG BANGSAMORO BASIC LAW, MAHALAGA.  Ito ang sinabi ni G. Mohager Iqbal (gitna), ang chief negotiator ng Moro Islamic Liberation Front peace panel sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.  Dumalo rin si Retired Commodore Rex Robles (kaliwa) at dating Constitutional Commission member Atty. Christian Monsod.  Isang Teduray, si Jennevive Cornelio ang nagsabing nangangamba silang mawala sa kanilang lupang tinubuan kung hindi makakasama ang Indigenous Peoples' Rights Act sa BBL.  (Melo M. Acuna)  

Sa panig ni Moro Islamic Liberation Front chief peace negotiator Mohager Iqbal inamin niyang puno ng batikos mula sa iba't ibang sektor ang Bangsamoro Basic Law subalit buhay pa ito sapagkat suportado pa rin ni Pangulong Aquino at ng MILF ang panukalang batas.

Sinabi niya na ang mga kontra sa panukalang batas, kahit pa kakaunti, ay organisado at suportado ng malakas na lobby group.

Ang panukalang batas, ayon kay G. Iqbal ang siyang susi tungo sa pagkakaisa ng bansa at isang malakas na panglaban sa mga nagnanais humiwalay sa Pilipinas. Ang mga taong nagnanais na tumiwalag sa bansa ay ang mga nakakadama ng kawalan, panggigipit at inaapi.

Tinutugunan ng Bangsamoro Basic Law ang lahat ng lehitimong hinanakit ng mga Moro laban sa pamahalaan.

Ipinaliwanag ni G. Iqbal na ang mga bagong armadong grupo ay hindi magtatagumpay sapagkat walang sapat na dahilan upang labanan ang pamahalaan sapagkat hindi sila susuportahan ng mga mamamayan.

Sa oras na maipasa ang BBL, tiyak na maghahari ang kapayapaan at seguridad hindi lamang sa Bangsamoro at Mindanao kungdi sa buong bansa, dagdag pa ni G. Iqbal. Ang salaping gagastusin sa mga sandata ay magagamit na sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

Subalit kung hindi maipapasa ang BBL, manghihina ang MILF at baka lumakas ang mga nagsusulong ng mga radikal ng kaisipan sapagkat napatunayan nilang nagkamali ang mga nagsulong pakikipag-usap sa pamahalaan.

May posibilidad pa ring gawing kanlungan ng mga radikal ang Mindanao.

Sinabi naman ni dating Commodore Rex Robles na nagsalita na ang Association of Generals and Flag Officers sa pamamagitan ni General Edilberto Adan at maliwanag ang paninindigan ng samahan laban sa Bangsamoro Basic Law.

Pawang mga motherhood statements ang nagmula sa MILF at kailangang maidetalye ang mga layunin ng grupo ni G. Iqbal. Kailangan lamang silang tulungan ng mga taga-Malacanang upang maiparating ang mensahe sa mga mamamayan.

Nagunita ni G. Robles ang kanilang karanasan noong mga nakalipas na panahon sa paglimbag ng mga lathalaing pinamagatang "So the People May Know" na pinakinabangan ng madla at ng pamahalaan.

Maliwanag sa Saligang Batas noong 1987 ay ipinasa ng madla at hindi na kailangan pang pag-usapan lalo pa't naipasa ang mga probisyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at Cordillera Autonomous Region.

Binanggit ni Atty. Monsod na ang ARMM ay binuo ng pamahalaan samantalang ang BBL ay pinagtulungan ng MILF at ng pamahalaan.

Nangangamba naman si Jennevive Cornelio, isang Teduray mula sa North Cotabato na baka mapaso ang Indigenous People's Rights Act na hindi makakasama sa BBL na magiging dahilan ng kanilang pagkakahiwalay sa kanilang ancestral lands.

Ayon kay Cornelio, tanging mga armado lamang ang kinausap ng pamahalaan kaya't nawawala sila sa mga pag-uusap.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>