LAUSANNE, Switzerland—Nakatakdang mag-present ngayong araw ang Beijing, kabisera ng Tsina at Almaty, syudad ng Kazakhstan, dalawang candidate cities para sa 2022 Winter Olympics.
Humigit-kumulang 85 miyembro ng International Olympic Committee (IOC) ay makikinig sa presentasyon ng nasabing dalawang lunsod. Pagkatapos, bibisita rin sila sa silid ng pagtatanghal ng dalawang siyudad. Kailangan ding sumagot ang dalawang kandidatong syudad sa mga tanong ng mga miyembro ng IOC at 2022 IOC Evaluation Commission.
Ang grupong Tsino para sa presentasyon ay pinamumunuan nina Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, Liu Peng, Puno ng Chinese Olympic Committee at Wang Anshun, Alkalde ng Beijing.
Salin: Jade