Ayon sa pinakahuling estadistika na isinapubliko kahapon ng UN, mula noong Abril, 2014 hanggang Mayo, 2015, umabot sa 6,417 ang bilang ng mga nasawi sa purok-sagupaan sa gawing silangan ng Ukraine, na kinabibilangan ng 626 na kababaihan at batang babae, at 15.9 na libo naman ang nasugatan.
Anito pa, sa kabila ng paglalagda ng mga nagsasagupaang panig sa "Kasunduan ng Minsk" na naglalayong maisakatuparan ang tigil-putukan at mabawasan ang ostilong aktibidad, hindi pa rin napabuti ang kalagayan ng mga sibilyan.