Ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na, dapat komprehensibong isakatuparan ang bagong Minsk Agreement na narating ng Rusya, Pransya, Alemanya, at Ukraine noong nagdaang Pebrero. Aniya pa, ang kasunduang ito ay ang tanging paraan sa paglutas sa krisis sa Ukraine.
Ang mga masusing isyu ng naturang kasunduan ay kinabibilangan ng pagsasagawa ng reporma sa konstitusyon ng Ukraine para maigarantiya ang awtonomiya sa dakong Silangan ng Ukraine, at pagdaraos ng halalang lokal sa naturang lugar.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Putin na tinanggihan ng pamahalaan ng Ukraine ang pagdaraos ng talastasan sa mga kinatawan ng dakong silangan ng bansang ito.
Ipinahayag naman niyang buong sikap na pasusulungin ng Rusya ang pagtupad ng armadong puwersa ng dakong silangan ng Ukraine sa naturang kasunduan.
Pero binigyang-diin niyang hindi dapat lutasin ang krisis sa Ukraine sa paraang militar.