Sa Law Khee Lar, sonang kontrolado ng Karen National Union (KNU) ng Myanmar—Ipininid dito kahapon ang 8-araw na summit ng mga etnikong armadong grupo ng Myanmar.
Ipinalabas sa summit ang komunike na nagsasabing nakahanda ang mga etnikong armadong grupo na makipagsanggunian sa panig ng pamahalaan hinggil sa pagsusog sa panukalang kasunduan sa pambansang tigil-putukan.
Pagkaraan ng pagtalakay, ipinalalagay sa summit na kailangang susugan ang 15 nilalaman ng nabanggit na panukalang kasunduan. Itinatag din ang komisyon ng pagsasanggunian sa mataas na antas, na ang tagapangulo nito ay namamahalang tauhan ng KNU. Mamamahala ang naturang komisyon sa mga suliraning may kinalaman sa pakikipagsanggunian sa pamahalaan.
Salin: Vera