Bilang paghahanda sa gagawing pagdalaw sa Britanya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa darating na Oktubre, bumisita sa Britanya si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina mula ika-8 hanggang ika-10 ng buwang ito.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Wang, ipinahayag ni Punong Ministro David Cameron ng Britanya na ang taong ito ay nagbubukas ng Ginintuang Panahon ng relasyong Sino-Britaniko na nagtatampok sa gaganaping pagdalaw ni Pangulong Xi.
Sinang-ayunan din ng dalawang bansa na samantalahin ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi para ibayo pang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Britanya.
Salin: Jade