Sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Idinaos dito kahapon ang pandaigdigang simposyum tungkol sa sona ng transnasyonal na kooperasyong pangkabuhayan ng Shweli at Muse. Magkakasamang tinalakay ng mga kalahok na opisyal at iskolar mula sa Tsina at Myanmar ang hinggil sa pagpapasulong ng konstruksyon ng naturang sona sa bagong antas.
Sa ilalim ng kaisipan ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road," nagiging mas mainit ang kooperasyon ng Tsina at Myanmar. Unti-unting humuhusay ang konstruksyon ng imprastruktura ng sonang ito.
Ipinahayag ni Zaw Oo, Tagapayong Pangkabuhayan ng Palasyong Pampanguluhan ng Myanmar, na ang nabanggit na sona ay isang tsanel na pangkalakalan sa pagitan ng Myanmar at Tsina, kaya lubos itong pinahahalagahan ng kanyang pamahalaan.
Salin: Vera