NANINIWALA si Senate President Franklin M. Drilon na ang pagsasalong ng mga sandata ng may 145 tauhan ng Moro Islamic Liberation Front ay magsisimula ng pagbabalik ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa Mindanao peace process at magiging positibo para sa Bangsamoro Basic Law.
Nakatakdang magsalong ng kanilang sandata ang mga MILF bukas. Isang mahalagang pagkakataon ito sapagkat masusubok ang pagtitiwala sa magkabilang panig, sa MILF at maging sa pamahalaan.
Ani Senate President Drilon, ang pinakamahirap na aspeto sa pagitan ng magkabilang panig ay ang kawalan ng pagtitiwala sa isa't isa. Mahirap na aspeto ang confidence-building at kung paano maibabalik ang kapayapaan at hindi exempted ang Mindanao peace process sa mga prosesong nagaganap at naganap na sa daigdig.