|
||||||||
|
||
ISANG malaking hiwaga pa rin ang uri ng eroplanong bumagsak umano kahapon ng tanghali sa hangganan ng Sultan Kudarat at Maguindanao.
Ayon sa media reports, nagpadala na ng mga kawal mula sa 6th Infantry Division upang alamin ang detalyes ng insidente subalit hanggang kanina ay wala pang nababalita.
Ibinalita ng mga katutubo sa ilang mga barangay ang kanilang pagkakarinig ng malakas na pagsabog matapos isang lumilipad na bagay ang tumama sa lupa. Isang pulutong ng mga kawal mula sa 33rd Infantry Division ang ipinadala sa hangganan ng South Upi sa Mnaguindanao na kinaringgan ng pagsabog.
Umatras ang mga kawal dahil sa lakas ng ulan kahapon ng magtatakip-silim. Tuloy ang paghahanap ngayon subalit wala pang detalyes na nababalita. Ang pagsabog ay narinig sa mga katabing barangay ng Flamingo sa Esperanza at Datar Fait, isang Teduray settlement sa South Upi sa ikalawang distrito ng Maguindanao.
Kumalat ang text messages sa Central Mindanao hanggang kagabi tungolo sa isang lumilipad na bahay ay posibleng ang Tropical Rainfall Measuring Mission spacecraft ng National Aeronautics and Space Administration ng America.
Tumanggi ang Air Force units sa Maguindanao na isang TRMM ang bumagsak sapagkat wala pang ginagawang imbestigasyon ang kanilang mga tauhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |