Tsina, nauunawaan ang pagiging alerto ng mga Hapones sa pagbabago ng patakarang militar ng bansa: tagapagsalita
Ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nauunawaan ng Tsina ang pag-asa ng mga mamamayang Hapones upang iwasan ng kanilang pamahalaan ang pag-ulit ng kasalanan noong World War II (WWII), at manangan sa Konstitusyong Pamapaya.
Ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino ang nasabing paninindigan nang sagutin ang may kinalamang tanong sa rali laban sa pagtatangka ni Punong Ministro Shinzo Abe na pagtibayin ang serye ng panukalang batas na may kinalaman sa seguridad.
Humigit-kumulang 25,000 Hapones ang nagrali kamakalawa sa paligid ng Diet Building ng Hapon bilang protesta sa bagong panukalang batas na panseguridad na pinapasulong ni Abe.
Isang araw bago ang nasabing protesta, isang katulad na demonstrasyon na nilahukan ng 16,000 mamamayan ang idinaos sa Tokyo.
Salin: Jade