Ayon sa isang survey na isinapubliko kahapon ng Asahi Television, ipinalalagay ng 98% ng mga dalubhasang Hapones sa larangang pambatas na labag sa Konstitusyon ang Karapatan sa Collective Self-Defense na isinasagawa ng pamahaan ni Shinzo Abe.
Tinukoy nilang ang pagsasagawa ng pamahalaan ng nasabing karapatan ay nangangahulugang sususugan ang Konstitusyon, at ito ay dapat alinsunod sa pagsang-ayon at mithiin ng mga mamamayang Hapones.
Nang araw ring iyon, sa isang pahayag na ipinalabas sa Tokyo ng isang grupong binubuo ng mga dalubhasang pambatas na Hapones, bilang tutol sa pagsusog sa batas na pandepensa ng bansa, hinimok nila ang pamahalaan ni Abe na itakwil ang naturang usapin. Ito anila'y labag sa diwa ng Konstitusyon at ideyang pangkapayapaan.