Sa kanyang talumpati kahapon sa Tokyo, pinuna ni Tomiichi Murayama, Dating Punong Ministro ng Hapon ang kasalukuyang punong ministro na si Shinzo Abe hinggil sa atityud ng huli sa isyung pangkasaysayan.
Noong 1995 bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng tagumpay ng World War II (WWII), bumigkas ng talumpati si Murayama gamit ang mga termino na gaya ng "taos-pusong paumanhin" at "paghahari at pananakop na kolonyal" nang banggitin niya ang pananalakay ng Hapon sa mga bansang Asyano noong WWII. Ang nasabing talumpati ay tinatawag na Murayama Statement. Ipinagdiinan ng dating punong ministro na ang nasabing talumpati ay hindi talumpati ng kanyang sarili at kapasiyahan ito ng pamahalaang Hapones na pinagtibay ng Gabinete. Idinagdag din niyang ipinangako rin ng mga sumusunod na administrasyong Hapones na mananangan din sa Murayama Statement. Ito rin aniya ang pangako ng Hapon sa buong daigdig.
Salin: Jade