Sa kanyang pakikipagtagpo kamakalawa sa Seoul sa delegasyon ng mga dating estadista ng Hapon, ipinahayag ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea ang pag-asang tatalima si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa mga pahayag ng mga nagdaang pamahalaang Hapones hinggil sa isyu ng kasaysayan, na gaya ng Murayama Statement at Yohei Statement.
Tinukoy ni Park na ang naturang mga pahayag ay batayan ng relasyong pangkaibigan ng T.Korea at Hapon, at mahalaga ang pagtalima ng kasalukuyang pamahalaang Hapones sa mga ito. Umaasa aniya siyang sa kanyang talumpati sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagtapos ng World War II, igigiit ni Abe ang diwa ng mga pahayag na ito, at ipapakita ang angkop na atityud sa mga isyu ng kasaysayan na gaya ng isyu ng comfort women.
Salin: Liu Kai