Sa Kunming, Yunnan ng Tsina — Ipininid kahapon ang limang (5) araw na Ika-3 China-South Asia Expo (CSAE) at Ika-23 China Kunming Import and Export Commodities Fair (Kunming Fair). Ayon sa datos ng panig opisyal, umabot sa 740 libo ang bilang ng mga lumahok sa peryang ito. Kabilang dito, mahigit 120 libo ang propesyonal na mamimili, at umabot sa halos 25.2 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalang panlabas. Ito ay mas malaki ng 19.8% kumpara sa nagdaang perya. Ang CSAE at Kunming Fair ay nagpakita ng napakalaking potensyal ng mga bagong-sibol na pamilihan.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang pagtatamo ng nasabing dalawang perya ng kapansin-pansing bunga ay may kinalaman sa mga bagong-sibol na pamilihan. Sinabi ni Ren Jia, Puno ng Academy of Social Science ng Lalawigang Yunnan, na unti-unting lumalabas ang potensyal ng konsumo ng gawing kanluran ng Tsina, Timog Asya, at Timog Silangang Asya. Malakas aniya ang pagkokomplemento ng kabuhayan ng Tsina, at mga bansang Timog Asyano, at Timog Silangang Asyano, kaya napakalaki ng potensyal ng kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Sa ilalim ng pagpapasulong ng China-ASEAN Expo (CAExpo), "One Belt One Road," at konstruksyon ng Economic Corridor ng Bangladesh, Tsina, India, at Myanmar, nagiging mas mainit ang kooperasyon sa pagitan ng Yunnan ng Tsina, Timog Asya, at Timog Silangang Asya.
Salin: Li Feng