Sa ika39 na Pulong ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (UNFAO) na idinaos kamakailan sa Rome, muling nahalal ang Indonesia bilang kasaping bansa ng Konseho ng UNFAO. Ang termino nito ay mula taong 2015 hanggang 2018.
Sinabi ni Hari Priyono, Pangkalahatang Kalihim ng Ministri ng Agrikultura ng Indonesia, na ang pagkahalal ng Indonesia bilang kasaping bansa ng Konseho ng UNFAO ay makakapagbigay ng ambag sa aspekto ng pagbalangkas ng patakaran hinggil sa seguridad ng pagkain sa daigdig, at iba pa.
Salin: Li Feng