Ayon sa resulta ng poll na ipinalabas kahapon ng Kyodo News Agency ng Hapon, 56.7% ng mga respondents ang nagpalagay na labag sa Konstitusyon ang panukalang batas sa seguridad na iniharap ng administrasyon ni Punong Ministro Shinzo Abe. Samantala, 29.2 % lamang ang nagpalagay na hindi ito labag sa Konstitusyon. Bukod dito, 58.7% ng mga respondent ang tutol sa nasabing panukalang batas. Ito ay mas mataas ng 11.1% kumpara sa poll na ginawa nitong nagdaang Mayo.
Umabot naman sa 47.4% ang approval rating sa Gabinete ni Abe. Ito ay mas mababa ng 2.5% kumpara sa naunang poll.
Ang poll ay ginawa ng Kyodo kamakalawa at kahapon sa pamamagitan ng phone interview.
Salin: Jade