|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan sa mga kalahok sa Ika-3 Global CEO Council Round Table Summit, sinagot ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga tanong ng mga CEO hinggil sa kabuhayan ng Tsina.
Kaugnay ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, sinabi ni Li na pinaplano na bansa na panatilihin ang humigit-kumulang 7% taunang paglaki ng pambansang kabuhayan. Ipinalinawag ni Premyer Li na kahit hindi mapapanatili ang dalawang digit na paglaki tulad noon, mayroon pa siyang kompiyansa sa katamtamang paglaki ng kabuhayan ng bansa dahil sa malaking potensyal sa pag-unlad sa dakong hilaga-kanluran ng bansa na hindi kasingsulong ng dakong silangan ng bansa.
Ipinagdiinan din ng premyer Tsino ang kahalagahan sa pagpapasulong ng inobasyon ng Made in China. Sinabi niyang hinihikayat ng bansa ang lahat ng mga bahay-kalakal at indibiduwal sa inobasyon para maisakatuparan ang nasabing target.
Kaugnay ng mungkahi ng ilang CEO hinggil sa magkasamang paggagalugad sa pamilihan ng ikatlong bansa o rehiyon, sinabi ni Premyer Tsino na ang mga umuunlad na bansa na gaya ng Tsina ay nagpapasulong ng industriyalisasyon samantalang ang mga maunlad na bansa ay nagsasagawa ng re-industriyalisasyon. Binigyang-diin niyang kung maaaring magpunuan ng bentahe ang Tsina at maunlad na bansa, at matugunan ang kahilingan ng ikatlong bansa o rehiyon, maisasakatuparan ang trilateral na kasaganaan. Ito aniya ay makakatulong din sa pagpapalago ng pandaigdig na kabuhayan na nakakaranas ng matumal na pag-unlad.
Kalahok sa nasabing round table summit ang mga CEO mula sa mga pangunahing multinasyonal na kompanya na gaya ng Goldman Sachs, Nokia, Pfizer, Standard Chartered Bank at Volkswagen.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |