Ipinatalastas kahapon ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa ika-29 ng buwang ito sa Beijing ang seremonya ng paglalagda sa Kasunduan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ani Lu, makikipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga opisyal ng mga bansang tagapagtatatag ng AIIB na kalahok sa seremonyang ito, at bibigkas naman ng talumpati si Premyer Li Keqiang sa isang espesyal na pulong ng mga ministrong pinansyal ng AIIB na idaraos sa panahong iyon.
Bilang karta ng AIIB, narating noong katapusan ng nagdaang buwan ang nabanggit na kasunduan, pagkaraan ng limang round ng talastasan ng mga bansang tagapagtatatag ng AIIB. Sasaklaw ang kasunduan, pangunahin na, sa layon ng AIIB, kuwalipikasyon, share capital, at karapatan sa pagboto ng mga kasapi, at sistema ng pagtakbo, estruktura ng pangangasiwa, at mekanismo ng paggawa ng kapasiyahan ng bangko.
Salin: Liu Kai