Ipinahayag kamakailan sa Chongqing ni Zhou Qiangwu, mataas na opisyal ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina na bago balangkasin ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang mga may-kinalamang patakarang pangkabuhayan at pinansyal, pag-aaralan nito ang mga katugong karanasan mula sa mga organisasyong pandaigdig, na gaya ng World Bank, Asia Development Bank, European Investment Bank at iba pa; itatakda nito ang mataas na pamantayan sa pagtaya ng proyekto, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at kultura sa lokalidad, at pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan; isasaalang-alang din nito ang aktuwal na kalagayan ng mga bansang Asyano; at hindi nito ilalakip ang anumang karagdagang paunang kondisyong pampulitika.
Nauna rito, ipinahayag din ni Shi Yaobin, Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Tsina na nagkasundo na sa Karta ng AIIB ang 57 bansang mayroong intension na lalahok sa AIIB. Aniya, sinang-ayunan ng mga miyembrong bansa na isasabalikat ang kani-kanilang nakatakdang pondo na 100 bilyong dolyares na prinsipal ng AIIB.