Ayon sa ulat ngayong araw ng Ministring Pinansyal ng Tsina, sa 3-araw na pulong ng mga punong negosyador hinggil sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na ipininid nang araw ring iyon sa Singapore, nagkaisa ng palagay ang mga kalahok hinggil sa karta ng bangkong ito.
Ayon sa plano, idaraos sa katapusan ng susunod na buwan, ng lahat ng 57 bansang tagapagtatag ng AIIB ang seremonya ng paglalagda sa naturang karta. Pagkatapos nito, papasok ang dokumentong ito sa prosidyur ng pag-aaproba sa loob ng iba't ibang bansang tagapagtatag, para pormal na itatag ang AIIB bago ang katapusan ng taong ito.
Salin: Liu Kai