Hinimok kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang ilang bansa na hanapin ang kalutasan, sa halip ng kaguluhan hinggil sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Ipinahayag niya ang nasabing panawagan sa regular na preskon bilang tugon sa tanong na mayroon pang bansang nakahandang sumapi sa AIIB, samantalang mayroon ding mga bansa na nagpahayag ng pagkabahala sa pamantayan ng AIIB hinggil sa lakas-manggagawa at pangangalaga sa kapaligiran.
Inulit ni Lu na ang layunin ng AIIB ay para tulungan ang mga kasaping bansa sa paglutas sa mga praktikal na problema sa proseso ng pagsasakatuparan ng magkakasamang kaunlaran at kasaganaan.
Sa kasalukuyan, 57 bansa ang sumapi na sa AIIB bilang miyembrong tagapagtatag.
Salin: Jade