Ayon sa ulat mula sa ASEAN-China Center (ACC), mula noong isang linggo, sinimulan ng delegasyon ng mga mamamahayag ng ASEAN ang kanilang panayam sa Beijing, Fujian, at Guangdong ng Tsina.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga miyembro ng delegasyon, ipinahayag ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, ang pag-asang, sa pamamagitan ng obdiyektibo at pantay na pagbabalita ng mga mamamahayag ng ASEAN, mauunawaan ng mas maraming mamamayang ASEAN ang Tsina, mapapainam ang relasyong pangkaibigang Sino-ASEAN, at mapapalakas ang impluwensiya ng "One Belt and One Road" sa Tsina at buong daigdig.
Ang delegasyon ay binubuo ng sampung (10) mamamahayag mula sa siyam (9) na bansang ASEAN na kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Biyetnam. Tatagal ito mula ika-23 ng buwang ito hanggang ika-2 ng susunod na buwan.
Ang nasabing aktibidad ay nasa pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at ACC.
Salin: Li Feng