Ilang round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ang idinaos sa Geneva nitong katatapos na weekend, sa pagitan ng Iran at anim na bansang kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya. Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa paglagda sa mga katugong kasunduan, bago katapusan ng buwang ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Frederica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo sa Suliraning Diplomatiko at Panseguridad, na hindi mananatili nang mahabang panahon ang nasabing talastasan, at nagsisikap ang ibat-ibang panig para marating ang mga katugong kasunduan, bago katapusan ng buwang ito.
Pagkaraang marating ng Iran at anim na bansa ang isang pansamantalang kasunduan, noong Nobyembre,2013, ipinagpapatuloy ng ibat-ibang panig ang diplomatikong pagsisikap para marating ang komprehensibo at pangmatagalang kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Kasalukuyang pumapasok ang talastasan sa masusing yugto.