TOKYO—Isa punto animnapu't limang (1.65) milyong pirma ang isinumite kahapon sa Diet ng Hapon ng Anti-war Committee of 1000, grupo ng mga mamamayang Hapones bilang pagtutol sa panukalang batas sa seguridad at desisyon ng administrasyon ni Punong Ministro Shinzo Abe na alisin ang pagbabawal sa collective self-defense.
Sa mungkahi ng mga manunulat at iskolar Hapones, itinatag ang nasabing Komite noong Marso, 2014. Pagkaraang itatag, inorganisa nito ang ilang demonstrasyong may temang pagtutol sa digmaan at pangangalaga sa Konstitusyon. Simula noong nagdaang Enero, inilunsad nito ang pangongolekta ng pirma laban sa digmaan at hanggang katapusan ng nagdaang Mayo, mahigit 1.65 milyong pirma na ang natanggap nito.
Noong ika-14 ng nagdaang Mayo, isinumite ng pamahalaang Hapones sa Kongreso ang mga panukalang batas na may kinalaman sa pagsasagawa ng collective self-defense at pagpapahigpit ng alyansang militar ng Hapon at Amerika, para suriin.
Salin: Jade