Sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na winiwelkam ng panig Tsino ang pagpapasulong ng Cuba at Amerika ng normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa.
Ani Hua, ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng naturang dalawang bansa ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Umaasa aniya ang panig Tsino na komprehensibong kakanselahin ng panig Amerikano ang blokeyo at sangsyon laban sa Cuba para mapasulong ang relasyon sa bansang ito sa prinsipyong paggagalangan sa isa't-isa at pagkakapantay-pantay.
Salin: Li Feng