Sa Washington, Amerika — Ipinahayag kahapon ni Ben Rhodes, Pangalawang Asistante ng Suliraning Panseguridad ng Estado ng Estados Unidos, na kinumpirma ng White House na sa panahon ng kanyang paglahok sa Summit of the Americas (SA), makikipag-ugnayan si Pangulong Barack Obama kay Raul Castro, lider ng Cuba. Sa panahong iyon, posible aniyang ipapatalastas ni Obama na aalisin ang Cuba sa listahan ng mga bansang kumakatig sa terorismo.
Mula ngayong araw hanggang ika-11 ng buwang ito, bibiyahe si Obama sa Jamaica at Panama. Ayon sa White House, sasamantalahin ni Obama ang pagkakataon ng kanyang gagawing pagdalaw para mapabilis ang pagiging normalisasyon ng relasyon ng Amerika at Cuba.
Salin: Li Feng