Sinabi kahapon ni Jennifer Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na itinakda nila ng Cuba ang pagdaraos ng bagong round ng talastasan sa ika-27 ng buwang ito sa Washington D.C. hinggil sa normalisasyon ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.
Noong ika-17 ng Disyembre ng taong 2014, magkahiwalay na ipinatalastas nina Pangulong Barack Obama ng Amerika at Raul Castro, Lider ng Cuba, ang pagsisimula ng proseso ng normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa.
Nitong Enero, nagtalastasan sa Havana, Cuba, ang mga opisyal ng dalawang bansa hinggil sa imigrasyon, pagpapanumbalik ng diplomatikong relasyon at pagbubukas muli ng kanilang Embahada.