Nilagdaan kamakailan sa Moscow ng mga pambansang ahensiya sa enerhiyang atomika ng Indonesya at Rusya ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa imprastruktura, edukasyon, pananaliksik, at pagsasanay sa aspekto ng enerhiyang atomika.
Ayon sa MoU, ang mga konkretong proyektong pangkooperasyon ay kinabibilangan ng pagbibigay-tulong ng Rusya sa Indonesya sa pagsasanay ng mga tauhan sa industriya ng enerhiyang atomika, pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpapaunlad ng mga imprastruktura, pagbabahagi ng mga karanasan sa teknolohiya ng nuclear power, at iba pa.
Salin: Liu Kai