Dumating kahapon sa Geneva, Switzerland si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina para dumalo sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Binigyang-diin ni Wang na binalangkas ng Tsina ang mga katugong ideya at paraan para malutas ang nasabing isyu.
Ipinahayag ni Wang na sa kabila ng ilang natamong progreso ng talastasan, patuloy pa rin ang mga kahirapan at alitan sa mga masusing isyu. Nakahanda aniya ang Tsina na gumanap, kasama ng ibat-ibang panig, ng positibong papel, para marating ang makatarungan at balanseng kasunduan hinggil dito.