Ipinahayag kahapon sa Geneva ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika na sa kabila ng mga progresong natamo sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, malaki pa rin ang pagkakaiba ng palagay hinggil sa mga masusing isyu, sa pagitan ng ibat-ibang panig. Aniya, kung hindi mararating ang mga katugong kasunduan dahil sa kakulangan sa katapatang pampulitika, uurong ang Amerika mula sa talastasan.
Samantala, ipinahayag kahapon ni Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran na optimistiko siya sa paglagda sa komprehensibong kasunduan sa nasabing isyu, sa nakatakdang panahon.
Nauna rito, ipinahayag sa Geneva ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na hinog na ang kondisyon para marating ang pangmatagalang kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, sa pamamagitan ng kalutasang pampulitika.