Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing ngayong araw kay Sengnouane Xayalath, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Laos, sinabi ni Xu Qiliang, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na nitong mga taong nakalipas, nananatiling mapagkaibigan ang relasyon at dalawang hukbo ng Tsina at Laos, at mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Aniya, sa bagong situwasyon, dapat samantalahin ng dalawang bansa ang pagkakataon para walang humpay na mapataas ang lebel ng komprehensibong estratehikong kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Sengnouane Xayalath ang kahandaang patuloy na pasulungin ang relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at hukbo.
Salin: Li Feng