|
||||||||
|
||
IPATATAWAG ng Senate Blue Ribbon Committee si Police Director Ricardo Marquez mula sa Directorate for Operations upang magpaliwanag hinggil sa sinasabing nawawalang food allowance funds na inilaan para sa mga pulis noong dumalaw si Pope Francis noong Enero.
Hiniling din nila kay outgoing PNP Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina na magbigay ng update sa ginawang imbestigasyon.
Sa isang liham mula sa Senador Teofisto Guingona III, hiniling niya kay General Espina na mag-ulat hinggil sa pagsisiyasat na kaagad na ginawa.
Ayon kay Senador Guingona, ilang pulis na naglingkod noong Papal visit ang nabigyan lamang ng P700 samantalang may budget na P2,400 bawat isa. Idinagdag pa ni Senador Guingona na kung totoo ang mga alegasyon, makakapagduda ang mga mamamayan sa pambansang pulisya.
May 25,000 mga pulis ang ikinalat sa Maynila at sa Leyte sa limang araw na pagdalaw ni Pope Francis mula ika-15 hanggang ika019 ng Enero. Sinabat nila ang ulan at binantayan ang seguridad ni Pope Francis sa pagdalaw sa Metro Manila at sa Tacloban-Palo area sa Leyte.
Walang anumang masamang insidenteng naganap sa makasaysayang pagdalaw na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |