Ipinahayag kamakalawa ni Hamzah Zainudin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Malaysia, na kinilala ng United Nations (UN) at komunidad ng daigdig na ang Sabah ay nabibilang sa Malaysia sapul noong ika-16 ng Setyembre ng taong 1963.
Noong ika-15 ng nagdaang Mayo, ipinatalastas ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na hindi itatakwil ng kanyang bansa ang kahilingan sa soberanya ng Sabah.
Kaugnay nito, sinabi ni Hamzah Zainudin sa pulong ng Mataas na Kapulungan, na tinawag ng Ministring Panlabas ang Embahador Pilipino nang dalawang beses para ihatid ang paninindigan ng Malaysiya na hindi matitinag sa anumang kahilingan sa soberanya ng Sabah.