Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon kay Sengnouane Xayalath, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Laos, sinabi ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pagpapatibay at pagpapalalim ng pagkakaibigang Sino-Lao ay komong hangarin at responsibilidad ng dalawang bansa, at ito aniya ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Ani Chang, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Lao, para mapasulong ang pragmatikong kooperasyon, mapalakas ang pagpapalitang pandepensa, mapalalim ang multilateral na kooperasyong panseguridad ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Sengnouane Xayalath ang ibinibigay na tulong ng hukbong Tsino sa Laos. Nakahanda aniya ang Laos na ibayo pang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina para mapasulong ang relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng